Dahil sa umuulan ng malakas kaninang umaga, nawala sa dati kung routine ang pagpasok ko sa school, sa aking alma-mater na ayaw ko man, pero dapat kung mahalin, ewan ko nga ba.
Tuwing papasok ako sa PNU, bago pa man ako makarating sa gate, bibili ako ng ballpen sa manong na nagtitinda sa harap, umulan o umaraw man naroon siya. Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos (buko juice) nawawala ang ballpen ko. Hindi ko nga alam kung bakit, sadya lang siguro akong burara, ang dami ko kasing iniisip, si ano, si ano pa, at iyong ano namin ni ano...
Pagkatapos kong bumili ng ballpen, kukunin ko ang planner ko dahil nakasuksok doon ang registraaaaaaaaation card ko- ang nagsisilbing ebidensya na naka-enroll ako ngayon sa PNU. Nagmistulang gate pass iyon ng mga bagong enroll-ang rason, hindi pa gawa ang ID. Sige tatanggapin ko muna iyan ng buong giliw dahil baka maisyu na naman ako sa admin na aktibista, kababalik lang nanggugulo na naman pinagradweyt na nga at bingyan ng award-utang na loob ko pa. Sige pagbigyan muna-silence ralph, have patience.
Back to topic, dahil nga umuulan ng bonggang-bongga kanina, nawala ang dati kung routine. Dumeretso ako sa gate na hindi nilalabas ang reg card ko. Aba ang eming guard, kaaga-aga minodahan ako.
"Nasaan ang ID mo isuot mo!" Bungad sa akin ni eming guard na hindi naman kagwapuhan at katangkaran, chaka in short!
Syempre, sumagot ako ng mahinahon. "Sandali lang ho, umuulan kasi sa labas hindi ko nakuha ang reg card ko baka mabasa ang mga gamit ko, dito ko na lang sa loob ilalabas ."
Aba, ang manong guard sinagot ako ng buong giliw, bonggang bongga sinabi ni eming guard, "Dapat kasi nagdala ka ng payong para hindi ka mabasa ang hindi ka makaabala (sa iba pang pumapasok)
Teka lang kasi, pati hindi ko pagdala ng payong pakikialaman mo, gusto yatang mareglahan nito, kaaga-aga(sa isip-isip ko). At hindi nakatiis ang lola mo, sumagot sa kgwapuhang eming guard.
"Aba, sabihin mo sa PNU Press na ibigay na ang ID ko dahil last two weeks pa ko nag pa picture wala pa rin, (may diin) NANG HINDI TAYO MAABALA PARE-PAREHO (with matching pagkumpas ng kamay, alam mo yan, nagbayad ako!) Sabay lakad papasok ng Main building. Narinig ko pang nagsabi ang guard na Oh sige. Talaga lang ha, sa isip-isip ko.
Hamakin mo ba naman, last two weeks pa ako nagbayad ng ID ko, three days na lang ang pasukan ng summer class wala pa ring ID. ano ang silbi niyan, display...ewan ko na alng talaga ha. Nagkataon pa na ang prof ko sa Philosophy of Education ay si Dr. Nael, and director ng PNU press.First day ng class namin alam niyang iyon na talaga ang problema. Wla na raw kasing pagpiprintan dahil nawalan na raw ng supply kahit noong decmeber pa ra w ang request nila. Ang huli niyang salita, bonggang-bongga,"Please BEAR with us." sabay ngiti ng pagkaganda ganda. Sa pananalita ni sir, isinisisi niya ang admin.
Kahit ganyan talaga ganyan ng PNU!
Hay naku, isa lang ang masasabi ko, "PLEASE BEAR with us."
Ikaw, papayag ka ba na magmukhang BEAR with them?:)



0 comments:
Post a Comment